Sunday, October 25, 2015

10 types of manliligaw :)))

I found this blog update from my old blog as in like, 2006 entry pa to. i think, i got this from friendster. OMG seeee, friendster days. so old school.
i think i should do a #tbt post every thursday. HAHAHAHA.

PS, i laughed so hard. hope this post could make you laugh too.:))))


***10 uri ng MANLILIGAW***
1. Mr. Gwapings
mayaman, gwapo,
kilala, at higit
sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya
na hindi sya mababasted, kaya pag
nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang
EGO. at teyk note, malas mo kung may sour
grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing "sus
kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan
ko lang naman sya! pwe!"

2. Mr. Quickie -
 ang type ng manliligaw na kada
magkikita kayo e wala nang alam na sabihin
kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i love
you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit na isang
linggo pa lang naman syang pumoporma. kung
baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis
ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything -
 linya nya ang "sagutin mo lang
ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan
mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." tanga ka
na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan,
makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker
eto yung type ng manliligaw na
pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong
na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan
pa nya ulit ng tanong "nsan ka ngayon?" "sinong
kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu-
ano pa. basta tungkol sa daily activities mo
kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it
pag binasted mo ang
ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas
may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding
hindi ka na nya papansinin. period.

6. Mr. Salesman
dadaanin ka sa matatamis na
salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya
mas matindi mang-uto. yun bang tipong.."ang
ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o
kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang lambot ng
mga kamay mo" at iba pang pang-uuto mapasagot
ka lang.

7. Mr. Good Dog - 
eto ang nakakatuwang
manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga
bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit
magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo
ng mga barkada mo. napapakitang gilas kung
baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti
yan.

8. Mr. Anonymous
motto nya ang "action speaks
louder than voice". wala kang kaalam-alam,
nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e
akala mo mabait lang talaga. hehe!

9. Mr. Second chance
sya ang pinakamasugid
mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing
ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang
sasabihin nya parin "Please give me a second
chance"

10. Mr. Romantiko -
 jologs ang mga paraan nya sa
panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga
barkada mo, liligawan parents mo at laging may
dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw.
pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan
nya dahil sa kanyang "malinis na hangarin" awww!

No comments:

Post a Comment