Wednesday, November 18, 2015
BAKIT DI NA LANG MAGING THANKFUL?
hindi tayo thankful sa kung anong meron tayo
hindi natin nakikita yung meron tayo na wala yung iba.
hindi kasi tayo nakukuntento sa kung ano man yung meron natin.
hindi kasi natin nakikita yung mga nasa likod natin.
masyado tayong caught up sa pag habol sa mga tao na nauuna satin.
hindi na natin naaappreciate mga munting bagay na meron tayo.
alam mo ba na hindi lahat ng tao magigising pa bukas?
alam mo ba na hindi lahat ng tao sa susunod na mga segundo makakahinga pa?
alam mo ba na may mga tao kahit isang butil ng kanin hindi man lang nila matikman?
tapos ikaw, ano?
nagrereklamo ka kasi ayaw ka payagan ng magulang mo pumunta sa kung ano mang hip and happening.
Eh kung yung iba nga walang magulang na magguide sa kanila sa kung ano ang tama at mali eh. Ikaw inis na inis ka sa magulang mo.
nagrereklamo ka kasi hindi ka makaipon ng pambili ng iphone 6+ o kaya naman ayaw ka bigyan ng magulang mo ng pambili?
eh kung yung iba nga kahit simpleng cellphone wala sila eh, walang pangaral, walang pangkain etc.
nagrereklamo ka kasi hindi ka makasakay ng jeep pauwi at ang haba ng nilakad mo?
eh yung iba nga walang trabaho na papasukan eh. yung iba nga hindi makalakad kasi wala silang paa. hindi makalakad kasi wala silang mata para makakita sila.
Diba? bakit puro na lang tayo reklamo sa buhay?
hindi ba pwede na kahit isang saglit lang maglaan tayo ng oras para magpasalamat sa kung ano man meron tayo?
sa tingin ko kasi, yung sobrang gusto natin na mapunta sa taas, wala na tayong paki kung sinong tao yung matatapakan natin, yun ang nakakasira satin.
hay. naisip ko lang.
Pag nakakafrustrate at nakakastress na kasi ang buhay.
mas okay na magisip lang ng saglit at iappreciate mga bagay na meron tayo. nakakagaan kasi ng loob kahit papano.
hindi yung puro na lang tayo reklamo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment