Friday, April 28, 2017

Kinain ng sistema

grabe tagal ko na naman di nakapagupdate ng blog.
anyway, kung nababasa nyo yung previous rants ko and blogs before, ayaw ko talaga magkaboyfriend. like super kuntento na ako sa pagiging single.
hahahaha.
pero ever since na nagmahal ulit ako (naks, nagmahal, nakalimutan ko na nga kung paano magmahal eh tbh ) eh parang in love na in love na naman ako masyado.

ayan eto na naman tayo eh, kinain ng sistema ng pagibig. dati ang bitter ko lang "walang forever
", "magbebreak din kayo", "lolokohin ka din nyan", "magsasawa din yan sayo" mga ganyan naiisip ko
pero ngayon, naniwala na naman ako na may taong magmamahal sakin (saten) na hindi tayo sasaktan (ayokong isipin na in the end magkakasakitan lang din, part kasi yun ng proseso ng pagibig <naks ako ba to??>)


sabi sayo eh masyado na akong inlab ngayon.
dati ayoko talaga, kasi ayoko masaktan. natatakot ako masaktan.
alam ko kasi na kapag nagmahal ka, kapg binuksan mo yung puso, isipan at damdamin mo sa isang tao, alam ko na, kasama na dun yung pagtanggap mo ng mga posibilidad ng sakit at heartaches.
dati hindi ako ready, hindi talaga ako ready, parang di ako magiging ready.
pero dadating pala yung tao na makakalimutan mo lahat ng sakit at mga nanakit sa damdamin mo.
na parang lahat ng pinagdaanan mong heartaches hindi nangyari. at yung mga taong nangiwan at nanakit sa damdamin mo, hindi nagexist.
I know ang cheesy and I know na kung masasaktan ulit ako sa bandang huli kakainin ko lahat ng sinabi ko.
pero ano ba magagawa ko, inlab ako ngayon eh.
at dahil in love nga ako kasama kong tinanggap ung mga sakit na kaakibat ng pagmamahal.